Si paralitikong pinoy ay di umiimik,
Kahit puno na ng tinik at tarak ang dibdib
Si paralitikong pinoy ay nagtitiis,
Sa aspalto man pisngi ay ikiskis;
Sa nagdaang panaho'y lalong namamanhid,
Lumaban man ay tiyak ang makapangyarihan ang siyang mananaig;
Sa bawat patak ng dugo, sa bawat pagdaloy ng luha
Tumitindi ang kanyang pananangis..
Ang pagsikat ng umaga, ang pagkislap ng bituin
Si paralitiko'y umaasa sa katarungang dapat niyang kam`tin..
Tigang man kung maituturing ang buhay na nakasanayan
Ggunit di parin kayang iwan ang bayang sinilangan..
Ang perlas ng silangan...Nakasanla sa may kapangyarihan